0 comments
ALL ABOUT DREAMER

Friends, sorry po sa post ko na "TOO AGIT TO QUIT". It has shown the agitated side of me.I admit to you guys, I am an activist sometimes. I am proud of it!

Okay, tama na yun.

Naaalala niyo pa ba si DREAMER? (refer to my previous post entitled "THE MYSTERY MAN")

Yung classmate ko na sobrang mysterious, yung taong pinatay ko na sa mga panaginip ko.

Well, ganito kasi yun.

Last Friday, we went to the Ayala Avenue rally. Some of my friends immediately went to Glorietta to taste the cold, air-conditioned air (kasi nga mainit sa rally, I also covered the event and took some snapshots).

As we approached the escalator on the way to SM, I saw a guy in white uniform, same as my uniform in the college. Nakatayo siya sa may video games sa gitna ng walkway. He turned around, pero di ko agad napansin kasi hindi ko suot salamin ko. Habang papalapit ako ng papalapit, luminaw na ang mukha niya. Nakatingin siya sa bestfriend ko (naka-medtech uniform siya kaya siya ang una niyang nakilala, habang ako naka-shorts at t-shirt lang kaya hindi niya ako napansin), halos nanlaki ang mga mata niya, tulala siya sa bes ko, siguro na-realize niya na school mate niya ito.

Ganun din ako, nanlaki rin ang mga mata ko.

Promise, mata lang ang nanlaki. Wala nang iba.

Si "Dreamer"!

"Uy Dreamer! Kamusta? Ano ginagawa mo dito?"

Lalong nanlaki mga mata niya nung nakita ako. Tahimik pa rin ang aura niya. Hindi naka-imik, pero naka-smile siya.

Sa sobrang tension ko eh inabot ko ang kamay niya at nag-shakehands kami.Sa tense niya rin eh binigay naman niya ang kamay niya. Medyo malambot ang hands niya. Ahahay! First hand-to-hand contact namin ito!

"Galing kami sa Ayala, nag-cover ako ng rally" sabay turo sa camera bag ko.

Napatango siya. Ngiti pa rin, na may expression sa face na "Huwaaat the.."

Sa totoo lang, amazed siya na makita kami especially ako.

Hello? Ang layo ng Makati sa school namin!?!

Binitawan ko rin agad ang kamay niya at nagpaalam na ako.

Sa huling tingin ko sa mukha niya, hindi pa rin siya makapaniwala na makikita ko siya dun.

Natulala ang lolo niyo sa escalator ng ilang sandali, sabay ako naman kinilig ng konti.

"OMG, si Dreamer", sa loob loob ko lang..

"Sino kasama niya?"

"Ano business niya dun?"

"Anong meron?"

Andaming tanong!

And then, the ultimate question entered my mind.
"ANO ANG GINAGAWA NIYA SA GLORIETTA? AT NAG-IISA PA SIYA?!"


INIISIP NIYO BA ANG INIISIP KO??

Malamang sa Monday eh magkikita kami, malamang magkakaroon na ako ng chance na makausap siya, kasi nga I bumped into him sa Makati, na sobrang layo sa school ko! Masasagot ang mga katanungan ko sa araw na yon.

Shit, Sabado pa lang ngayon..

At muli na naman akong nanaginip.

Punyeta talaga.

0 comments: